dzme1530.ph

Gilas players, may 10-araw na bakasyon bago sumabak sa bagong Season ng PBA

May 10 araw na pahinga ang PBA players na kabilang sa Gilas Pilipinas na naglaro sa 19th Asian Games, bago magsimula ang bagong season ng liga.

Ito ang ginarantiyahan ni San Miguel Corp. Sports Director Alfrancis Chua, na nagsilbi ring manager ng national team sa katatapos lamang na Asiad sa Hangzhou, China.

Sa press conference sa PBA Office, tiniyak ni Chua sa mga player na siya mismo ang kakausap sa mga mother team ng mga ito para makapagbakasyon sila ng 10-araw.

Kagagaling lamang ng pambansang koponan sa makasaysayang kampanya sa Asiad, kung saan naiuwi nila ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa basketball makalipas ang 61-taon.

Magbubukas ang bagong Season ng PBA sa Nob. 5. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author