dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, umangat ng dalawang spots sa FIBA ranking

Bagaman hindi naging impresibo ang performance ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup sa sariling home floor, umangat pa rin sa 38th place mula sa 40th ang kanilang ranking, batay sa inilabas na listahan ng international governing basketball body.

Sa katatapos lamang na World Basketball Showpiece, pang-24 sa Overall ang Gilas na mayroong ng 1-4 win loss record.

Ang bagong world champion naman na Germany ay umakyat sa Top 3 ng rankings habang napasakamay muli ng US ang no. 1 spot sa kabila nang kabiguan nitong masungkit ang bronze medal na iniuwi ng Canada.

Bumagsak naman sa no. 2 ang Spain matapos ang kanilang disastrous world cup campaign makaraang malaglag sa medal contention. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author