dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, tinambakan ng South Sudan sa classification round ng FIBA World Cup

Bigo ang Gilas Pilipinas na maangkin ang crucial win laban sa South Sudan sa classification round ng 2023 FIBA World Cup, sa Smart Araneta Coliseum, kagabi.

Hindi pinaporma ng South Sudan ang Pinoy Cagers hanggang sa magtapos ang kanilang laban sa score na 87-68.

Ang pagkatalo ng Gilas ang nagbigay ng tuldok sa inaasam na direct qualification sa 2024 Paris Olympics, matapos talunin ng Japan ang Venezuela para sa ikalawa nitong panalo sa tournament at maungusan ang Pilipinas para sa Best Asian Team.

Ang Gilas Pilipinas na mayroong 0-4 record ay sasabak sa kanilang last game sa 2023 FIBA World Cup, bukas, laban sa asian rival na China. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author