dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, target makakuha ng kahit dalawang panalo sa FIBA World Cup

Target ng Gilas Pilipinas na makasungkit ng kahit dalawang panalo sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, nais ng koponan na malagpasan ang kanilang one-win campaign noong 2014 World Cup at winless record noong 2019 edition.

Sinabi ni Panlilio na ang pagkakaroon ng dalawang panalo sa World Cup ay maaring maging ticket ng Gilas para sa 2024 Paris Olympics.

Makakasagupa ng pambansang koponan ang ilang power house teams sa maagang stage ng tournament, gaya ng World no. 10 na Italy, pati na ang no. 23 na Dominican Republic at no. 41 na Angola. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author