dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, sasagupain ang Iran sa pagbubukas ng kampanya sa pocket tournament sa China, mamayang gabi

Nakatakdang sagupain ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Iran sa pagsisimula ng kanilang Overseas Training Camp sa Guangdong, China, mamayang gabi.

Kahapon ay nag-ensayo na ang 14-man national team para sa tournament na magtatapos sa Aug. 7, kung saan makakaharap din nila ang Senegal, bukas.

Maglalaro ang Gilas nang wala sina Jordan Clarkson, Kai Sotto, Scottie Thompson, at naturalized players na sina Justin Brownlee at Ange Kouame.

Handa namang makipagbakbakan sa hardcourt sina six-time PBA MVP June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Cj Perez, Dwight Ramos, Chris Newsome, Keifer Ravena, Rhenz Abando, Roger Pogoy, Bobby Ray Parks Jr., Thirdy Ravena, Aj Edu, Calvin Oftana at Poy Erram.

Ang mini tournament sa China ang huling overseas training camp ng Gilas bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup sa Aug. 25. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author