dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, pasok na sa quarterfinals ng Asian games matapos durugin ang Qatar kagabi

Pasok na sa quarterfinals stage ng 19th Asian games ang Gilas Pilipinas matapos durugin ang Qatar, sa score na 80-41, kagabi, sa Hangzhou, China.

Makakaharap naman ng Gilas ang pamilyar na katunggali na powerhouse Iran, sa quarterfinals, mamayang alas 12 ng tanghali.

Sa playoffs, pinadapa ng pambansang koponan ang Bahrain at Thailand subalit kinapos sa Jordan sa final group stage game.

Sa record na 2-1, nakasagupa ng Pinoy Cagers ang Qatar sa qualification patungong quarterfinals.

Tanging top 4 teams lamang pagkatapos ng eliminations ang magkakaroon ng outright Q-F ticket. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author