dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, nakaganti sa Cambodia; gintong medalya sa SEA Games basketball, muling napasakamay ng pambansang koponan

Muling pinatunayan ng Pilipinas ang husay nito sa larangan ng basketball.

Ito’y makaraang mabawi ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa 32nd Southeast Asian Games nang tambakan ang reinforced cambodian squad sa score na 80-69, sa finals, kahapon.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Gilas sa kanyang 23 points habang nag-ambag si Chris Newsome ng 16 na puntos.

Nakabawi rin ang pambansang koponan mula sa pagkatalo nito sa host country noong elimination round.

Sa kabila ng mga ipinasok na naturalized players, nagkasya ang Cambodia sa silver medal habang nasungkit ng Thailand ang bronze medal makaraang padapain ang defending champion na Indonesia sa score na 83-69 nang maglaban sila para sa third place. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author