dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, muling pinadapa ang Iran sa pagtatapos ng pocket tournament sa China

Tinapos ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa Heyuan Wus International Basketball Tournament sa pamamagitan ng pagpapayuko sa Iran sa score na 63-48, sa China, kagabi.

Pinangunahan nina Dwight Ramos na may 17 points at 14 rebounds, at Kiefer Ravena na may 9 points, 6 assists, at 6 rebounds ang pambansang koponan para padapain sa ikalawang pagkakataon sa naturang tournament ang Iran.

Tinapos ng Gilas ang kanilang China Stint na may 3-1 win-loss record.

Uuwi ng bansa ang Pinoy Cagers para sa final stretch ng kanilang training camp kung saan inaasahang makakasama na sa squad sina Jordan Clarkson at Kai Sotto.

About The Author