dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, makakasagupa ang South Sudan sa classification round ng FIBA World Cup 2023

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang kuponan ng South Sudan sa pagsisimula ng classification round ng FIBA World Cup 2023 ngayong araw, Aug. 31.

Ito ang una sa dalawang laban ng Pilipinas para magkaroon ng tyansa na makapaglaro sa 2024 Olympic Games sa Paris.

Kailangan lamang ng kuponan na malampasan ang third at fourth places sa Group B sa pivotal matchups.

Samantala, magsisimula ang laban mamayang alas-8 ng gabi sa Araneta Coliseum. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author