dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, lumiit ang tyansa na umabanse sa second round ng FIBA World Cup 2023

Lumiit ang tyansa ng Gilas Pilipinas na umabante sa second round dahil sa pagkakaroon ng dalawang talo sa 2023 FIBA World Cup.

Matapos ito na masilat ng Dominican Republic at Angola ang panalo, simula nang buksan ang torneo noong Biyernes sa Philippine Arena, sa Bulacan.

Gayunpaman, kailangan maipanalo ng Gilas Pilipinas ang laban nito sa Italy bukas, Aug. 29 para manatili ang pag-asa na umusad sa susunod na round.

Sa ngayon, may record na 0-2 ang Pilipinas sa Group A, habang ang Dominican Republic ay 2-0, at 1-1 naman sa Italy at Angola. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author