dzme1530.ph

Gilas Pilipinas final 12 na sasabak sa FIBA World Cup, ipinakilala na

Pangungunahan nina Jordan Clarkson, Kai Sotto, Aj Edu, Japeth Aguilar, at June Mar Fajardo ang roster ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup.

Makakasama rin ng lima sina Dwight Ramos, PBA Most Valuable Player Scottie Thompson, at isa pang Ginebra Standout na si Jamie Malonzo.

Pasok din sa Final 12 sina Cj Perez, Kiefer Ravena, Roger Pogoy, at Rhenz Abando.

Hindi naman nakapasok sa roster sina Chris Newsome, Ray Parks, Calvin Oftana at Thirdy Ravena.

Ang Pilipinas na World no. 40 ay makakasagupa ang World no. 23 na Dominican Republic sa pagbubukas ng World Cup, bukas, sa Philippine Arena, sa Bulacan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author