dzme1530.ph

Gilas Pilipinas at China, posibleng magkaroon ng face-off para sa Olympic ticket

Posibleng magharap ang Gilas Pilipinas at China upang matukoy kung aling Asian Team ang magku-qualify sa 2024 Paris Olympics.

Bagaman ang Pilipinas ay mula sa Group A habang ang China ay sa Group B, lahat ay posible sa 2023 FIBA World Cup, at ang kanilang puwesto sa pools ang magbibigay ng posibilidad para magkasagupa sa hardcourt.

Sa nakalipas na World Cup ay walang koponan mula sa asya ang naka-abante sa group stage, kaya ang Iran at China ang tanging dalawang squads na nagkaroon ng tsansa dahil sa kanilang identical na 2-3 records.

Gayunman, ang Iranians ang tumuloy sa Tokyo Games bunsod ng mas mataas na point difference. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author