dzme1530.ph

Gilas Men and Women, sasalang sa joint practice bilang paghahanda sa Asian Games

Magsasagawa ng joint practice ang Philippine men’s and women’s national basketball teams sa Philsports Arena sa Pasig City bukas.

Ayon kay Gilas Pilipinas coach Tim Cone, welcome ang mga fans na manood ng practice sa venue.

Naghahanda ang Gilas Men and Women para sa kani-kanilang kampanya sa 2023 Asian Games sa Hangzhou, China, kung saan gaganapin ang basketball competitions simula sa September 26 hanggang October 6.

Noong nakaraang linggo ay itinalaga si Cone bilang coach ng Gilas Men para sa Asian Games, kapalit ni Chot Reyes na nag-“stepped aside” kasunod ng kanilang kampanya sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Ang Gilas Women naman ay pangungunahan pa rin ng multi-titled coach na si Pat Aquino. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author