dzme1530.ph

Gilas Girls, na-promote sa Division A makaraang tambakan ang Iran sa finals ng FIBA Women’s Under-16 Finals

Promoted ang Gilas Pilipinas Women’s Under-16 Team sa Division A ng FIBA Asia makaraang tambakan ang Iran sa score na 83-60 sa Prince Hamzah Stadium sa Amman, Jordan, ngayong Lunes.

Ang malaking panalo ng Gilas Girls ang kumumpleto sa kanilang perfect 5-0 campaign sa Division B ng FIBA Under-16 Women’s Asian Championship.

Bunsod nito, maglalaro ang Young Gilas sa Division A ng 2025 FIBA Under-16 Women’s Asian Championship.

Ang solid performance na ipinakita ng Gilas Under-16 ay pambawi, makaraang makuha lamang ang broze sa 2022 edition ng naturant event.

Ngayon ay namayagpag ang koponan sa kanilang panalo sa mga laro sa average na 53.4 points. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author