dzme1530.ph

Gilas Girls, ipinatikim ang bangis sa Maldives sa FIBA Asia Under-16 Division B

Walang ipinakitang awa ang Gilas Pilipinas Girls sa koponan ng Maldives makaraang mamayagpag sa score na 144-22 at nananatiling walang talo, sa 2023 FIBA under-16 Women’s Asian Championship Division B, sa Amman, Jordan, kagabi.

Ang ipinakitang bangis ng Gilas Girls ay kasunod ng impresibong panalo nito laban sa Hong Kong sa score na 79-40 sa pagsisimula ng kanilang kampanya noong Lunes ng gabi.

10 sa 12 players mula sa Gilas squad ang nakapagtala ng double-digit scores sa pangunguna ni Sophia Anne Canindo na may 21 points.

Nangunguna pa rin ang Gilas Girls sa group na mayroong 2-0 card, bago ang kanilang match laban sa Jordan ngayong Miyerkules. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author