dzme1530.ph

Giannis at Lebron, nanguna sa fan voting para sa NBA All-Star Game

Nanguna sina Milwaukee Bucks Star Forward Giannis Antetokounmpo at Los Angeles Lakers Forward Lebron James sa resulta ng first fan voting para sa NBA All-Star Game sa susunod na buwan.

Nakakuha ang Greek big man na si Antetokounmpo ng overall lead na 2,171,812 votes para sa eastern conference frontcourt.

Sinundan ito ni James na may 2,008,645 para sa western conference frontcourt.

Samantala, gaganapin ang 2024 NBA All-Star Game sa February 18 sa Indianapolis. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author