dzme1530.ph

Germany, nasungkit ang kauna-unahang FIBA World Cup title makaraang patumbahin ang Serbia

Na-sweep ng Germany ang 2023 FIBA World Cup makaraang pabagsakin ang Serbia sa finals, at napasakamay ang Naismith Trophy, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, kagabi.

Matapos ang neck-and-neck na sagupaan sa first half na nagtapos sa 47-all, umalagwa ang Germany at sinigurong hindi makababawi ang serbia hanggang sa maitala ang final score sa 83-77.

Ito ang kauna-unahang World Cup Final appearance ng Germany at kauna-unahang world cup title.

Samantala, nasungkit naman ng Canada ang Bronze medal makaraang padapain sa overtime ang Team USA, sa score na 127-118.

Naabot ng Canada ang multiple milestones sa tournament, kabilang ang semi-final debut at pag-qualify sa Summer Olympics sa unang pagkakataon simula noong 2000. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author