dzme1530.ph

GCash, nagpaliwanag sa aberya sa e-wallet services

Personal nang humarap at nagpaliwanag kay Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang ilang opisyal ng GCash at Globe Telecom Inc. kaugnay sa aberya sa kanilang e-wallet services.

Nangako ang mga opisyal ng kumpanya kay Revilla na ibabalik ang lahat ng mga perang nawala kasabay ng pagpapatupad ng mga bagong security, reliability at transparency measures para hindi na maulit ang pangyayari.

Dahil sa system shutdown, nasa 81 million users ng digital wallet service ang hindi nakapagbukas ng kanilang account habang nasa 1,472 users ang napaulat na nakaranas ng unauthorized transactions.

Una nang kinalampag ng mambabatas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglabas ng mga panuntunan para matiyak ang transparency at reliability mula sa mga e-wallet service provider matapos ang aberya sa GCash. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author