dzme1530.ph

Gastroenteritis outbreak sa Baguio City, kontrolado na

Tiniyak ng Department of Health na magpapatuloy ang water sampling at pamamahagi ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng nangyaring acute gastroenteritis outbreak sa Baguio City.

Ito’y matapos ideklarang contained o kontrolado na ang outbreak, na umabot sa higit 3,000 residente ang tinamaan ng sakit.

Sa isang press briefing sinabi ni Health Usec. Eric Tayag na nakatulong ang online self-reporting ng mga nagkasakit, kaya naagapan ang pagkalat at naiwasang may mamatay sa sakit.

Sa tulong ng mga isinagawang water sampling, nagawa umanong ma-isolate ang dalawang uri ng virus na nakita sa mga pasyente, at siyang posibleng dahilan ng kanilang pagkakasakit.

Nilinaw ni Tayag na hindi galing sa main source ng tubig sa Baguio nanggaling ang water samples na nagpositibo sa virus, kundi sa ilang water delivery services.

Payo pa rin ng DOH sa publiko na ugaliin pa ring pakuluan ang tubig o gumamit ng chlorine-based solution kung iinom o gagamit ng tubig sa gripo bilang pangluto o panghugas ng pagkain. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author