dzme1530.ph

Gastos ng pamahalaan sa epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro, umabot na sa halos P1-B

Umabot na sa P1-B ang nagastos ng pamahalaan sa epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), nakapamahagi na ang gobyerno ng P630-M na halaga ng tulong sa mga apektadong komunidad at naglaan na rin ng P300-M para sa operating expenses.

Nilinaw naman ni OCD Administrator Ariel Nepomuceno na hindi pa kabilang dito ang environmental damage dahil patuloy pa itong ina-assess.

Nabatid na umabot sa 262 bayan sa Oriental Mindoro, Palawan, Antique, at Batangas ang naapektuhan ng oil spill, maging ang higit 200,000 katao kasama ang 27,513 mangingisda. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author