dzme1530.ph

Function sa assistance-to-nationals para sa mga OFWs ililipat na ng DFA sa DMW

Simula July 1, pormal na ibibigay ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Migrant Workers (DMW) ang mga function nito sa assistance-to-nationals (ATN) para sa mga documented at undocumented OFWs.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na ang lahat ng kahilingan para sa tulong para sa mga OFW sa mga bansang may attaches (mga opisina ng migrant workers o MWO) ay ididirekta sa DMW

Mananatili ang P1-B pondo ng ATN ng DFA, at lahat ng tulong para sa mga OFW, kabilang ang legal o tulong medikal, pagpapauwi at pagpapadala ng mga labi, ay popondohan ng hiwalay na AKSYON Fund ng DMW.

Ang mga bansang may mga resident MWO ay ang Australia, Brunei Darussalam, China, Hong Kong, Macau, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Bahrain, Israel, Jordan, Saudi Arabia, Kuwait, Lebanon, Morocco, Oman, Qatar, United Arab Emirates, Czech Republic, Germany, Greece, Italy, Spain, Switzerland, United Kingdom, Canada at United States.

Ang mga OFW mula sa mga bansang ito ay maaaring makipag-ugnayan sa DMW para sa tulong sa 8722-1144 o 8722-1155, o sa pamamagitan ng email sa [email protected]; [email protected]; [email protected].

Para sa mga OFW na nagtatrabaho sa mga bansang walang resident MWOs, ang DFA Naman ang magpapatuloy sa pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng ATN at legal assistance fund nito.

Mananatili sa DFA ang tulong para sa iba pang mga overseas Filipinos (OF), kabilang ang mga estudyante, turista, dual citizen, at permanent residence. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author