Target ng Department of Transportation (DOTr) na maipamahagi ang fuel subsidy para sa Public Utility Vehicles (PUV) drivers at operators bago matapos ang Agosto.
Nabatid na aabot sa 1.64 million na tsuper ang makikinabang sa P2.95 billion fund na ilalabas ng pamahalaan.
Ayon kay Transportation secretary Jaime Bautista, kanilang sisiguruhing maibibigay agad sa PUV drivers ang fuel subsidy para mapabuti ang araw-araw nilang kita. Ani pa Bautista ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang inatasang mamahagi ng subsidiya.
Ayon naman kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, sa ilalim ng programa, tig P10-K ang subsidy sa kada unit ng modern jeepney at UV express.
P6,500 naman ang cash-grant para sa traditional jeepneys at may P1,000 naman ang mga tricycle drivers
Habang makatatanggap ng P1,200 ang mga delivery riders.
Ayon sa ilang operator, posibleng hindi sumapat ang subsidiya kung hindi maaawat sa pagtaas ang presyo ng langis, dahil dito muli anilang ihihirit sa pamahalaan ang dagdag-piso sa pamasahe tuwing rush hour.