dzme1530.ph

Fuel subsidy, maaari lamang gamitin bilang pambayad sa mga piling gasolinahan

Hindi maaaring gamitin ang fuel subsidy sa ibang bagay dahil nakalaan lamang ito bilang pambayad sa mga piling gasolinahan upang makabili ng produktong petrolyo.

Ito ang nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III, kasabay ng pagtiyak na lahat ng mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan, maliban sa truck-for-hire ay maaaring makatanggap ng subsidiya.

Aniya, consolidated man o hindi,  tradisyunal man o  modernized ang unit ay may tyansa ang mga benepisyaryo na makakuha ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Binigyang-linaw din ni Guadiz na magkakaiba ang halaga ng subsidiya ng public utility vehicle operators, dahil nakadepende ito sa dami ng pangangailangan ng kanilang sasakyan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author