dzme1530.ph

Former SAF Director Getulio Napeñas, nanawagan sa administrasyong Marcos na ibigay ang hustisyang hindi pa rin nakakamit para sa SAF 44

Nanawagan si Former Special Action Force Director Getulio Napeñas sa administrasyong Marcos, na ibigay ang hustisyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit para sa SAF 44.

Sa National Remembrance Ceremony sa PNPA Camp sa Silang Cavite, iginiit ni Napeñas na hindi pa rin abot-kamay ang hustisya dahil wala namang kasong naisampa sa mga taong pumatay sa SAF 44.

Sinabi rin ni Napeñas na tila hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng peace process.

Samantala, dumaing din si Napeñas sa natanggal niyang mga benepisyo at pensyon matapos itong sibakin sa serbisyo sa utos ng Ombudsman.

Si Napeñas ang SAF Director nang isagawa ang tinaguriang “Oplan Exodus”, kung saan nasawi ang 44 na SAF troopers sa engkwentro sa gitna ng operasyon laban sa teroristang si Marwan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author