dzme1530.ph

Former Finance Sec. Benjamin Diokno, tumanggi sa alok na maging bahagi ng MIC

Tumanggi si former Finance Sec. Benjamin Diokno sa alok na maging parte pa rin ng Maharlika Investment Corp., kahit na hindi na ito kahilim ng DoF.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tinanong niya si Diokno kung nais nitong magsilbing liaison o tagapamagitan ng gobyerno at ng pribadong sektor kaugnay ng Maharlika Fund.

Gayunman, hindi umano ito tinanggap ni Diokno dahil ramdam niya na ang Sovereign Fund ay hindi bahagi ng kanyang specialty.

Dahil dito, nagpasiya umano ang dating kalihim na bumalik na lamang sa Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa kabila nito, nagpaabot pa rin ng lubos na pasasalamat ang Pangulo kay Diokno para sa kanyang serbisyo, at patuloy pa rin umanong aasa ang gobyerno sa kanyang husay bilang bahagi BSP. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author