Mahigit isang milyong international travelers ang dumating sa bansa sa unang tatlong buwan ng 2023, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sinabi ni DOT Sec. Christina Frasco na malinaw na niyang nakikita ang tuluyang pagbangon ng sektor ng turismo dahil sa pagbisita ng 1,152,590 international tourists sa bansa.
Tiwala si Frasco na muling malalagpasan ng ahensya ang kanilang target ngayong taon na 4.8M international arrivals.
Ginawa ng Kalihim ang pahayag sa paglulunsad ng National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028 Tourism Stakeholders’ National Summit sa Maynila.
Ayon kay Frasco, ang NTDP 2023-2028 ang magsisilbing blueprint para sa mga istratehiya kung paano maipagpapatuloy at mapalalago ang epekto ng turismo sa ekonomiya sa mga susunod na taon.