dzme1530.ph

Food Stamp program beneficiaries, dapat naka-enroll sa job programs ng DOLE at TESDA

Obligado ang mga benepisyaryo ng Food Stamp Program ng pamahalaan na magpa-enroll sa Job-Generating Programs ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni DSWD Usec. Eduardo Punay na layunin ng naturang requirement na tapusin ang “Culture of Dependency” ng mga Pilipino sa financial assistance na karaniwang ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni punay na ang design sa food stamp ay multi-purpose, kung saan sasanayin ang mga benepisyaryo na hindi puro-asa lang sa ayuda ng pamahalaan at tanggap na lang ng tanggap.

Bunsod nito, upang manatili sa Food Stamp Program, kasama sa requirements ng mga benepisyaryo na magsumite ng certificate na nagpapatunay na naghahanap sila ng trabaho sa pamamagitan ng DOLE o TESDA. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author