dzme1530.ph

Food factory sa Taiwan nasunog, 4 na OFW, patay!

Apat na Filipino workers ang patay sa sunog sa isang food factory sa Changhua County sa Taiwan, ayon sa Manila Economic and Cultural Office.

Sinabi ni MECO chief Silvestre Bello III na tatlo sa mga ito ay nasawi bunsod ng suffocation mula na napaka-kapal na usok, at naipabatid na sa kani-kanilang pamilya ang sinapit ng mga ito, kahapon.

Ang pinakahuli naman aniyang nasawi na kinilalang si Maricris Fernando ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa isang ospital, kagabi.

Inihayag ni Bello na mayroon pang apat na Pilipino na nagtamo ng minor injuries mula sa sunog na nananatili pa rin sa ospital.

Tiniyak din ng MECO chief na hindi lalagpas ng isang linggo para maiuwi sa Pilipinas ang labi ng apat na Pinoy workers.

About The Author