dzme1530.ph

Flood control projects sa Bulacan, ipinasasailalim sa fraud audit ng COA

Loading

Ipinag-utos ng Commission on Audit (COA) na isailalim sa fraud audit ang mga flood control project sa Bulacan, na kamakailan ay nalubog sa baha, upang mapanagot ang mga nagsamantala sa mga pumalpak na proyekto.

Nakasaad sa memorandum order ni COA Chairperson Gamaliel Cordoba na lahat ng supervising auditors at audit team leaders ng Department of Public Works and Highways (DPWH) district offices sa rehiyon ay obligadong isumite ang lahat ng mahahalagang dokumento na kailangan para sa fraud audit.

Inatasan din ang mga ito na tiyakin ang kanilang availability para tumulong sa fraud audit teams anumang oras habang gumugulong ang audit.

Saklaw ng order ang flood control projects ng DPWH sa Bulacan na tumanggap ng ₱44-B, o 45% ng inilaang kabuuang pondo para sa flood control projects sa Central Luzon.

About The Author