dzme1530.ph

Flight at Ground Operation sa NAIA pansamantalang sinuspinde dulot ng mga kidlat

Pansamantalang sinuspinde ng MIAA Airport Ground Operations and Safety Division ang flight at ground operation sa Ninoy Aquino International Airport, kasabay ng inilabas na lightning red alert kaninang umaga.

Ayon sa MIAA ng Media Affairs Division ang pansamantalang pagsuspinde sa operasyon ay upang maiwasan ang anunmang untoward incident sa paliparan dulot ng kidlat.

Layon din nito na mailayo sa panganib ang mga tauhan ng Paliparan na nakatalaga sa ground.

Prayoridad din ng MIAA na maging ligtas ang mga pasahero at flight operation sa NAIA.

Sa ngayon balik na muli sa normal ang operasyon ng Paliparan matapos tumigil ang malakas na buhos ng ulan at nagpakita narin ang haring araw sa mga oras na ito.  —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author