dzme1530.ph

Finance Sec. Recto, welcome addition sa Marcos administration

Itinuturing ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na welcome addition si dating Senador at ngayoy Finance Secretary Ralph Recto sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ipinaliwanag ni Villanueva na bitbit ni Recto sa kanyang pagtupad sa bagong tungkulin ang malawak niyang karanasan sa lehislatura at sa ehekutibo lalo na sa economic at fiscal policies.

Idinagdag ng senador na itinuturing nila sa Senado noon si Recto bilang tax whiz kaya tiyak na good news ang appointment ni Recto para sa ating bansa.

Naniniwala naman ni Senador Lito Lapid na bilang bagong kalihim ng Department of Finance ay magagampanan ni Recto nang buong husay ang kanyang tungkulin.

Nangako rin si Lapid na susuportahan ang mga economic reform measures at programs na itutulak ni Recto. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author