dzme1530.ph

Filipino Flash Nonito Donaire, bigong mapunan ang bakanteng WBC Bantamweight title

Pinunan ni Alexandro Santiago ang bakanteng WBC World Bantamwieght Title kasunod ng unanimous decision sa kanilang bakbakan ni Nonito Donaire Jr., sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nakamit ng 27-anyos na Mexican Boxer ang kanyang first world title sa kanyang career sa pamamagitan ng pagpapayuko sa 40-anyos na “Filipino Flash.”

Napanood sa laban na hindi na masabayan ng Pinoy boxer ang mas bata at mas mabilis na kalaban na sunod-sunod na nagpapakawala ng mga suntok.

Inamin ni Donaire na disappointed siya pero maayos pa rin ang kanyang pakiramdam at sobrang mahal niya ang boksing. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author