dzme1530.ph

Filipinas, pinadapa ng South Korea sa group stage ng Asian Games

Bigo ang Philippine National Women’s Football Team na maipagpatuloy ang kanilang magandang simula makaraang padapain ng powerhouse South Korea sa score na 5-1 sa group stage ng 19th Asian Games, kagabi, sa Wenzhou Sports Center Stadium.

Ang Filipinas na mayroong three points sa Group E mula sa kanilang isang panalo at isang talo, ay kailangang talunin ang Myanmar sa paghaharap nila sa Huwebes upang maka-abante sa knockout round.

Binuksan ng Filipinas ang kanilang kampanya sa 3-1 win laban sa Hong Kong noong Biyernes.

Ang mga mananalo sa bawat limang grupo, pati na ang tatlong best second-placed teams ay mag-a-advance sa knockout rounds ng Asiad na ginaganap sa Hangzhou, China.

About The Author