Filipinas, pinadapa ang host na New Zealand sa makasaysayang unang panalo sa Women's World Cup

dzme1530.ph

Filipinas, pinadapa ang host na New Zealand sa makasaysayang unang panalo sa Women’s World Cup

Loading

Nakapagtala ng panibagong kasaysayan ang Philippine Women’s National Football Team makaraang makamit ang kauna-unahang panalo sa 2023 FIFA World Cup.

Pinadapa ng Filipinas ang host na New Zealand sa score na 1-0, sa Wellington, kahapon.

Si Sarina Bolden ang nagbigay ng First-ever World Cup Goal para sa debuting Filipinas sa pamamagitan ng header sa 24th minute.

Sunod na makakalaban ng Filipinas ang koponan ng Norway, sa linggo para maka-abante sa Round of 16.

Tanging Top 2 teams mula sa bawat grupo ang makakakuha ng ticket para sa susunod na round. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author