Pasok ang Philippine National Women’s Football Team sa second round ng AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament makaraang padapain ang Hong Kong sa score na 4-0, sa Hisor Central Stadium, sa Tajikistan, kagabi.
Nakapagtala ang Filipinas ng malinis na 3-0 win-loss card na nanalo rin laban sa Pakistan at Tajikistan habang pumangalawa sa Group E ang Hong Kong sa pamamagitan ng 2-0-1 win-draw-loss slate.
Tanging ang Top team mula sa bawat group ang maka-a-abante sa susunod na phase ng tournament.
Pinangunahan ni Sarina Bolden ang Filipinas laban sa hong kong sa pamamagitan ng kaniyang unang dalawang goals habang nag-ambag sina Meryll Serrano at Quinley Quezada ng tig-isang goal.