Idineklarang special non-working day ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Feb. 9, 2024, bisperas ng Chinese New Year.
Sa proclamation no. 453, nakasaad na ang karagdagang holiday ay layuning mapahaba ang pagdiriwang ng mga Pilipino sa nasabing okasyon.
Matatandaang una nang idineklara ng Pangulo ang Feb. 10 araw ng Sabado, bilang special non-working day para sa mismong araw ng Chinese New Year.
Ang bagong special non-working day naman ay lumikha ng long weekend dahil ito ay araw ng Biyernes.
Kaugnay dito, inatasan na ang department of labor and employment na maglabas ng kaukulang circular para sa pagpapatupad ng bagong holiday sa pribadong sektor. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News