dzme1530.ph

FDI net inflows, naitala sa five-month low noong Hunyo

Bumagsak sa five-month low ang investment inflows noong Hunyo, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Naitala ang Foreign Direct Investment (FDI) net inflows noong ika-6 na buwan sa 484 million dollars, mas mababa sa 487 million dollars noong Mayo, at 3.9% na mas mababa rin sa 503 million dollars noong June 2022.

Pinakamababa rin ito sa loob ng limang buwan mula nang maitala ang 465 million dollars noong Enero.

Ayon sa BSP, ang bumagsak na FDI net inflows ay bunsod ng pagbaba ng non-resident’s net investments in equity capital at kanilang reinvestment sa kanilang kita. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author