dzme1530.ph

FDI net inflows, lumobo ng mahigit 35% noong Hulyo

Lumago ang Foreign Investment Inflows noong Hulyo, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral Pilipinas.

Sinabi ni BSP na umakyat sa $753 million ang Foreign Direct Investment (FDI) net inflows noong ika-pitong buwan.

Mas mataas ito ng 35.7% kumpara sa $555 million na naitalang net inflows noong July 2022.

Saklaw ng FDI ang actual investment inflows, taliwas sa inaprubahang foreign investment data na ni-release ng Philippine Statistics Authority na kumakatawan lamang sa commitments o pledges. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author