Bumagsak sa four-month low ang investment inflows sa Pilipinas noong Mayo, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa tala ng BSP, $488 million ang Foreign Direct Investment (FDI) Net Inflows noong ikalimang buwan ng taon.
Mas mababa ito ng 34% mula sa $739 million na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon at kumpara sa $876 million noong Abril.
Ito na ang pinakamababang FDI Net Inflows sa loob ng apat na buwan mula nang maitala ang $448 million noong Enero. —sa panulat ni Lea Soriano