dzme1530.ph

FDI Net Inflows, bumagsak sa $548-M noong Marso

Nakapagtala ng double-digit na pagbagsak ang foreign direct investments sa bansa noong Marso, bunsod ng mga alalahaning dulot ng bumagal na paglago ng ekonomiya sa buong mundo.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, bumulusok sa $548-M ang FDI Net Inflows noong Marso, mas mababa ng 30.7% mula sa sa $792-M na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Mas mababa rin ito kumpara sa $1.047-B na naitala naman noong Pebrero ngayon taon.

Bunsod nito, ang first-quarter FDI Net Inflows ay bumagsak ng 19.6% o  sa $2.042-B mula sa 2.542-B kumpara sa kaparehong panahon noong 2022. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author