Bumaba ng 14.1% ang net inflows ng foreign direct investments (FDI) noong Abril.
Sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak sa $876-M ang FDI net inflows noong Abril mula sa $1.02-B na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Inihayag ng BSP na ang pagbaba ng FDI ay maaring iugnay sa pag-aalangan ng mga investor bunsod ng bumabagal na paglago ng ekonomiya at mataas na lebel ng inflation sa buong mundo.
Bumagal ang ekonomiya ng Pilipinas sa 6.4% noong unang quarter mula sa 8% na naitala noong Enero hanggang Marso ng 2022.
Una nang itinakda ng pamahalaan sa 6 hanggang 7% ang gross domestic product (GDP) growth target para sa taong 2023. —sa panulat ni Lea Soriano