Bumagsak sa pinakamababang lebel ang net inflows ng foreign direct investments (FDI) sa loob ng mahigit tatlong taon noong Setyembre.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumulusok ng 42.2%% o sa $422 million ang FDI net inflows noong Setyembre mula sa $731 million na naitala sa kaparehong buwan noong 2022.
Mas mababa rin ito ng 46.5% kumpara sa $790 million na FDI net inflows noong Agosto.
Ang September figure ang pinakamababang monthly net inflow ng FDI mula nang maitala ang $314 million noong April 2022, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic lockdowns. —sa panulat ni Lea Soriano