dzme1530.ph

Farmgate price ng palay, tumaas noong Marso

Tumaas ang Average Farmgate Price ng palay sa P18.57 kada kilo noong Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito ng 2.1% kumpara sa P18.19 kada kilo noong Pebrero, at mas mataas ng 6.5% sa naitalang P17.43 kada kilo noong nakaraang taon.

Nanguna naman sa mga rehiyon na may pinakamataas na farmgate price ng palay ang Ilocos Region na nasa P20.83 kada kilo, habang naitala sa Eastern Visayas ang pinakamababang presyo na nasa P16.49 kada kilo.

Gayunman, sinabi ng PSA na lahat ng rehiyon sa bansa ay nakakuha ng annual increase sa growth rate ng naturang presyo ng palay. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author