dzme1530.ph

Farmers’ Cooperatives, nakabenta na ng P2.35-B sa Kadiwa Stalls mula 2019

Umabot na sa P2.35-B ang benta ng mga kooperatiba ng mga magsasaka at agri-based enterprises sa Kadiwa Program ng gobyerno mula 2019.

Ayon sa Presidential Communications Office, kabuuang 931 kooperatiba at enterprises ang nakiisa sa Kadiwa sa nagdaang apat na taon.

Nakapagtala ang Sta. Ana Agricultural Multi-purpose Cooperative mula Pampanga ng kalahating milyong pisong benta kada taon sa Kadiwa Marketing Program ng Dep’t of Agriculture.

Ang nasabing kooperatiba ay nagbebenta ng bigas at iba’t ibang uri ng gulay.

Mababatid na ibinebenta sa Kadiwa sa mas murang halaga ang produkto ng mga magsasaka direkta sa mga consumer.

Mas pinalakas pa ito sa inilunsad na “Kadiwa ng Pangulo” ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. | ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author