dzme1530.ph

Farm output noong 2024, bumagsak ng 2.2%

Bumagsak ng 2.2% ang agricultural output ng bansa noong 2024, sa patuloy na pagbaba ng farm production hanggang ika-apat na quarter.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa ₱1.73 Trillion ang halaga ng produksyon sa agriculture at fisheries, na kabaliktaran ng 0.4% na paglago noong 2023.

Kapos din ang naturang pigura sa growth target ng Department of Agriculture na 1% hanggang 2%.

Ang mahinang performance ng farm sector noong nakaraang taon ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng mga pananim, livestock, at fishery production, bagaman lumago ang poultry output ng 6.6%. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author