dzme1530.ph

Ex-Pres Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping, nagpulong sa Beijing

Nakipagpulong si Chinese President Xi Jinping kay dating Pang. Rodrigo Duterte, ayon sa tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry.

Sa meeting sa Diaoyutai State Guest-house sa Beijing, sinabi ni Xi kay Duterte na patuloy sana nitong isulong ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Inihayag din ng Chinese President na sa panahon ng panunungkulan ni Duterte ay gumawa ito ng strategic choice para bumuti ang relasyon ng Pilipinas at China.

Iginiit din ni Xi ang pagiging friendly ng China sa mga katabing bansa na itinuturing niyang partners.

Noong nakaraang buwan ay sinabi ni Duterte na posibleng maging “graveyard” o libingan ang Pilipinas kung maiipit ito sa tensyon sa pagitan ng China at Amerika. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author