Posibleng hindi dumalo si dating Pang. Rodrigo Duterte sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Ito ang inihayag ni Sen. Bong Go dahil nanggaling aniya si Duterte sa China at medyo pagod ito.
Ayon pa kay Go, kararating lamang noong Sabado ng dating pangulo at kasalukuyan itong nasa Davao.
Matatandaang hindi rin dumalo si Duterte sa SONA ni Marcos noong nakaraang taon. —sa panulat ni Airiam Sancho