Inaresto ng paramilitary troops si dating Pakistan Prime Minister Imran Khan habang nasa korte sa Islamabad bunsod ng kinakaharap nitong corruption charges.
Ang biglaang pag-aresto sa dating cricket star turned leader ang pinakabagong kabanata sa loob ng ilang buwang political turmoil sa Pakistan mula nang patalsikin si Khan noong nakaraang taon.
Nagsusumite si Khan ng kanyang biometric data para sa court appearance nang basagin ng paramilitary forces ang isang bintana bago ito dakpin.
Ang 72 taong gulang na si Khan ay pinatalsik sa isang parliamentary no-confidence vote noong nakaraang taon at simula noon ay pinangunahan nito ang kampanya laban sa kasalukuyang pamahalaan na pinamumunuan ni Prime Minister Shahbaz Sharif. —sa panulat ni Lea Soriano