Iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft at falsification of public documents laban kay dating Department of Education Sec. Leonor Briones at dating PS-DBM OIC Lloyd Christopher Lao kaugnay ng umano’y anomalya sa ₱2.4 bilyong laptop procurement noong 2021.
Ayon sa Ombudsman, may indikasyon ng katiwalian sa transaksyon, kabilang ang overpricing at iregularidad sa proseso.
Iniutos din ang pagsasampa ng kasong perjury laban kina Lao, DepEd Usec. Annalyn Sevilla, at PS-DBM OIC Jasonmer Lagarto Uayan dahil umano sa pagbibigay ng maling pahayag sa ilalim ng panunumpa sa Senado. — sa panulat ni Rizzel Cristobal, Intern