Naglaan ang European Union (EU) ng 50,000-euro o P3-M para tulungan ang mga pamilyang apektado ng pag-a-alboroto ng Mayon volcano.
Ayon sa EU Delegation sa Maynila, ipadadaan ang pondo sa pamamagitan ng Philippine Red Cross (PRC) at pakikinabangan ng tinatayang 7,500 katao sa Albay.
Makatutulong ito para sa pag-deliver ng PRC ng agarang ayuda sa pamamagitan ng pamamahagi ng emergency shelter items, sleeping kits, primary healthcare assistance at hygiene kits, pati na karagdagang access sa malinis na water supply at sanitation facilities sa mga apektadong komunidad.
Sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC), 9,776 families’ o 37,944 individuals sa Bicol Region ang apektado ng nag-a-alborotong Bulkan. —sa panulat ni Lea Soriano